P1-M PENALTY VS. NAGPAPADALA NG MALING TEXT MESSAGES

ISANG DAANG LIBO hanggang isang mil-yong piso at isang taong pagkakabilanggo ang kakaharapin ng sinumang nagpapakalat ng mga nakaaalarmang text messages sa mga cellphone sa bansa.

Nakapaloob sa House Bill no. 3940 na inihain ni Congressman Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro na kailangang ang bumibili ng SIM cards ng mga cellphone ay magpapakita ng kanilang identification card na may litrato.

Bukod dito, kinakailangan ding ang nagbebenta ng SIM card ay may personal information sa taong nakabili sa kanya nito at nakarehistro ito at maging ang telecommunication company na nagmamay-ari ng naturang prepaid card.

Ayon pa kay Rodriguez, kaya niya naisipang isang daang libo hanggang isang

milyong pisong penalty at mahigit isang taong pagkakakulong sa mga nagpapakalat ng nakakatakot na text messages ay sa dahilang nagdudulot ito ng masamang epekto sa mga nakatatanggap ng mensahe.

Lalo aniya, sa mga taong may sakit sa puso na malaki ang epekto nito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Matatandaang kamakailan ay maraming nakatanggap ng text messages sa kani-lang mga cellphone na aabot sa Pilipinas ang epekto ng radiation nang sumabog na nuclear power plant sa Japan dahil sa naganap na lindol.

Dahil sa nasabing maling text messages, maraming mga Pinoy ang naalarma maging ang ilang opisyal ng Department of  Health (DoH) na agad namang nagpalabas ng opisyal na pahayag na hindi totoo ang naturang text messages.

Sinabi pa ni Rodriguez na maging ang sindikato ng kidnap for ransom ay ginagamit din ang cellphone sa kanilang operasyon lalo sa kanilang panghihingi ng ransom sa kamag-anak ng mga biktima.

Maging ang “dugo-dugo gang” ay cellphone din ang ginagamit para maisakatuparan ang pakay sa kanilang bibiktimahin.

Kasabay nito, pananagutin din sa house bill ni Rodriguez ang mapapatunayang kumpanyang sangkot sa pagpapakalat ng mga nakakaalarmang text messages maging ang mga opisyales nito. (Joel O. Amongo)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.