P1-M natangay ng holdaper sa OFW

TULUY-TULOY ANG pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa naganap na panghoholdap sa isang overseas Filipino worker(OFW), kung saan natangay ang isang milyong piso mula sa biktima sa General Santos City.

Kinilala ang nasabing biktima na si Jennifer Bantugan, 33-anyos, isang negosyante at residente ng Bagong Sikat, Koronadal City.

Sinabi ni P03 Roland Bautista, imbestigador ng Pendulum-PNP na patuloy ang pagkilala sa suspek na isang habal-habal driver.

Paniwala ng mga awtoridad na hindi organisado ang nangholdap sa biktima matapos mag-negatibo ang

mga larawan ng mga salarin sa rouge gallery ng pulisya.

Hirap sila na malutas ang kaso dahil mismong ang biktima hindi alam ang eksaktong address sa pinangyarihan ng panghoholdap, ani Bautista.

Gayunman, tiniyak ng pulisya na gagawa ng backtracking upang malaman ang suspek na gumagamit ng motorsiklo bilang habal-habal driver upang makapangholdap.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.