P1-M natangay kay Doc

NANAKAW ANG mahigit sa isang milyong halaga ng cash at mga gamit sa isang doktor sa loob ng kanyang condominium unit sa lungsod Quezon.

Sinabi ng biktimang si Dr. Elice Ventura, 30, may isang milyong halaga ng alahas, P200,000 cash; passport; bank passbook; at transcript of records at clearances ang nawala sa kanyang one-bedroom unit sa Orchard Tower 3 sa Brgy. Bagumbayan sa naturang lungsod.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni PO2 George Caculba, wala naman silang nakitang senyales na pinasok ng kawatan ang condominium nito dahil wala man lamang nasira sa pintuan ng condo at kahit saang entry point ng kanyang bahay.

Maaaring ang kanyang mga kasama sa condo ang kumuha ng kanyang mga gamit at pera, ani Caculba.

Samantala, ayon sa biktima, noong nagdaang Sabado niya nalaman na nawawala ang P200,000 cash na nasa loob ng kanyang cabinet at kinabukasan nito, araw ng Linggo ay kinausap niya ang kanyang mga kasama sa condo at sinabi sa mga ito na nawawala ang kanyang pera.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.