P1-M naabo sa sunog sa Caloocan

UMAABOT SA humigit-kumulang sa P1 milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang naabo makaraang tupukin ng apoy ang isang dalawang palapag na paupahang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ang nasunog na paupahang bahay ay gawa sa kahoy na pag-aari ng isang Joan Neluz, 39, ng F. Acab St., Brgy. 17, 10th Avenue ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang im-bestigasyon ni FO3 Benedicto S. Tudla, ng Arson Division ng Caloocan City Fire Station at may hawak ng kaso, dakong alas-10:58 ng umaga nang magsimula ang nasabing sunog sa naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng arson division, ang dahilan ng sunog ay isang nag-short circuit na fuse box na nakalagay sa dingding na kahoy sa ikalawang palapag ng nasabing bahay.

Bago dumating ang mga pamatay-sunog ay nagtulung-tulong ang mga residente sa nasabing lugar para sa agarang pagpatay at pagkalat ng apoy sa pamamagitan ng pagbuhos ng mga timba-timbang tubig, subalit naging huli na ang lahat dahil lumaganap na ang apoy.

Nadamay na masunog ang may 40 kalapit na kabahayan na may 80 pamilya, habang siyam (9) na oras ang itinagal ng sunog na umabot ika-9 na alarma.

Samantala, wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa nasabing sunog.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.