P1-M Naabo sa Sunog sa Bulacan

UMAABOT SA hindi bababa sa P1 milyon ang halaga ng mga ari-ariang nasunog sa commercial area sa Brgy. Calvario sa Meycauayan, Bulacan alas-10 ng gabi kamalakawa.

Lumalabas sa pagsisiyasat na nagmula ang apoy sa tindahan ng appliances sa loob ng Maristel Building.

Mabilis na kumalas ang apoy sa katabing ukay-ukay, na naglalaman ng mga lata ng pintura dahil napag-alamang kabubukas lang nito.

Inabot ng higit sa dalawang oras bago tuluyang napuksa ang apoy.

Samantala, wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa naganap na insidente.

Sa ngayon, patuloy pa ring inaalam ang sanhi ng apoy at hindi inaalis ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang anggulong arson sa nangyaring sunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.