P1-M multa sa mga kolorum na bus, suportado ng Palasyo

SUPORTADO NG Palasyo ang plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patawan ng P1 milyong multa ang mga kolorum na bus.

Una na itong pinalagan ng bus operators sa pagsasabing hindi sila kriminal para patawan ng ganito kalaking multa.

Sinabi ni  Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na tungkulin ng LTFRB na pangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero.

Nilinaw rin nitong hindi nila panghihimasukan ang trabaho ng ahensya na isang quasi-judicial body na puwedeng magpataw ng mga administrative penalty.

Ang nasabing planong patawan ng P1 milyong multa ang mga kolorum na bus ay dahil sa sunud-sunod na malalagim na aksidenteng kinasangkutan ng ilan sa mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.