P1-M Halaga ng Marijuana, Sinindihan

AABOT SA P1 million ang tinatayang halaga ng Marijuana na sinunog ng mga awtoridad sa Sitio Saginsing sa Barangay Sapdaan, bayan ng Santol, La Union.

Nabatid  na nagsanib puwersa ang mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Santol sa matagumpay na Marijuana eradication sa nasabing lugar.

Aabot naman sa 5,000 fully-grown Marijuana umano ang binunot ng mga awtoridad sa 300 square meter na taniman nito.

Sa ngayon, patuloy sa kanilang pagsisiyasat ang mga awtoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga nagtamin ng Marijuana sa nasabing lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.