P1-M halaga ng alahas at pera, ninakaw sa pawnshop

AABOT SA P1 milyong ha-laga ng mga alahas at pera ang natangay sa panloloob sa Abalaza-Aldana pawnshop sa Tandang Sora, Quezon City kamakailan.

Nabatid na gumawa ng tunnel ang mga kawatan noong nakaraang linggo mula sa drainage canal sa ilalim ng Tandang Sora Avenue.

Ayon sa salaysay ng vault custodian na si Marlyn Bunagan, Lunes ng umaga nang datnan niyang butas na ang sahig ng sanglaan.

Putol rin ang kableng nagkokonekta sa closed circuit television (CCTV) camera at alarm ng pawnshop.

Nasa P117,000 cash at daan-daan libong halaga ng alahas at kagamitan ang nanakaw ng mga salarin.

Samantala, narekober din sa tunnel ang acetylene, jack, lagareng bakal at piko na hinihinalang ginamit ng mga salarin sa paggawa ng hukay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.