P1-M Cash at Alahas, Tinangay ng Manager sa Pawnshop

HINDI NA matagpuan ng kanyang amo at maging ng mga kasamahan ang mismong manager ng pawnshop sa bayan ng Polangui, Albay.

Ito ay matapos ang umano’y pagnanakaw na ginawa ng salarin na si PD Pawnshop branch manager Judith Joy Paler Y Basco, 32, residente ng Maasin, Southern Leyte

Lumalabas sa report , napag-alaman na bago pa man naganap ang pagnanakaw, iniwan lamang na nakabukas ng mga tauhan nito ang cabinet kung saan nakatago ang mga mamahaling alahas dahil sa tiwalang mababantayan at maisasara naman ito ng kanilang amo.

Subalit kinabukasan pagdating ng bantay, limas na ang mga alahas na kanilang iniwan habang hindi na rin pumapasok hanggang ngayon ang salarin.

Hindi na rin makontak si Basco na pinaniniwalaang nagtago na matapos ang ginawang pagnanakaw.

Aabot sa mahigit kumulang P250,000 ang halaga ng alahas na natangay ng suspek habang sinasabi rin na hindi pa naide-deposito ng suspek ang mahigit P800,000 na halaga ng cash sa bangko.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan kaugnay ng insidente at maging sa pagtunton sa kinaroroonan nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.