P1-M Bond, Ipatutupad ng Comelec sa Tatakbo sa Eleksiyon

PLANO NG Commission on Elections (Comelec) na paglagakin ng P1 milyon ang mga maghahain ng certificate of candidacy (COC) sa national position para maiwasan ang mga panggulong kandidato o mga nuisance candidate.

Batay sa ulat, ipinanukala rin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na dapat makakuha ng sapat na bilang ang isang kandidato upang mabawi ang inilagak na P1 mil-yong piso.

Lumalabas na sa 84 na naghain ng COC sa pagka-senador, 27 rito ang kuwalipikadong kumandidato sa May 2013 mid-term elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, binigyan na ng go-signal ang pagkandidato ng mga ito at madi-diskwalipika lamang kung may maghahain ng kaso laban sa kanila.

Samantala, ipatata-wag pa rin aniya ng Comelec ang mahigit sa 50 iba pang naghain ng COC para patunayan ng mga ito na hindi sila panggulong kandidato.

Posibleng kalahati ng 84 na naghain ng COC ang ideklarang mga panggulo lamang, ani Jimenez. (PARAZZI RE-

PORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.