P1-B na ang Utang; Albay, Pinutulan ng Suplay ng Kuryente

TULUYANG PINUTULAN ng suplay ng kuryente ang lalawigan ng Albay.

Ito ay dahil sa disconnection notice mula sa Philippine Electricity Market Corporation (PEMC)  sa Albay Electric Cooperative (Aleco) na itutuloy ang nasabing  banta.

Kasunod ito ng aabot pa sa P56 mil-yon na balanse ng Aleco sa PEMC mula sa halos P74 milyon na utang sa current bill.

Ilang beses na ring naantala ang naturang disconnection dahil sa pakiusap ng ilang malalaking opisyal sa lalawigan.

Subalit nagdesisyon na ang naturang power supplier na hindi na muling pagbibigyan ang kooperatiba.

Maliban sa P56 mil-yon, may aabot pa sa P962 milyon o kulang-kulang isang bilyon ang utang ng Aleco sa PEMC mula noong taong 2010.

Lahat naman ng anim na substation sa lalawigan ay wala nang suplay ng kuryente habang hindi pa malinaw kung kailan ito maibabalik.

Sa ngayon, labis ang pagkadismaya ng mga consumer lalo na ang may mga negosyo kung bakit hindi nagawan ng paraan ang nasabing hakbang ng PEMC.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.