P1-B Halaga ng Shabu, Nasamsam sa Zambales

NASAMSAM NG mga miyembro ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) ang tinatayang nasa 200 kilo ng shabu sa isang bodega sa Subic, Zambales.

Base sa inisyal na report ni PNP-AIDSOTF Spokesperson Roque Merdeguia, umaabot ng halos P1-bilyon ang halaga ng shabu na narekober.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.