P1-B Assistance Fund Para sa mga Distressed OFW, Inihirit ni Rep. Villar

INIHIRIT NI Las Piñas Rep. Mark Villar na magkaroon ng 1 bilyong Special Assistance Fund para sa “distressed” OFWs bilang karagdagang proteksyon at tulong sa mga dokumentado at hindi dokumentadong OFWs.

Ang nasabing 30 porsiyento ng kabuuang pondo ay ilalaan upang suportahan ang programang pangkabuhayang pagsasanay o ang muling pagsasanay ng mga OFW na umuwi sa bansa.

Ang matitirang pondo ay gagamitin para sa mga sumusunod: pagpapabalik sa bansa sa OFWs, gastusing pangmedikal, pampa-ospital, pambili ng gamot; pambayad sa migration fees sa overstaying Filipinos; tulong panglegal, pambayad sa “blood money” sa sanda¬ling kailanganin ito at ang iba pang pangangailangan.

Iba’t ibang problema ang nasasagupa ng mga manggagawang Pinoy gaya ng pangmamaltrato at mga isyung may kinalaman sa kanilang trabaho o kung anumang kalagayang hindi nila kontrolado gaya ng giyera, mga natural na kalamidad at mga kaso ng emergency.

Samantala, iginiit ng kongresista na kailangang laging nakahanda ang gobyerno para tulungan ang mga ito.

“Ang kasalukuyang ‘civil unrest’ sa mga bansa sa Middle East ay isang maliwanag na dahilan bakit kailangan natin ang ‘standby’ na pondo para agarang matugunan ang pangangailangan ng ating OFWs, lalo na yaong mga pinababalik sa bansa o kusang loob na umuuwi,” ani Villar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.