P1.816-T 2012 Budget, Pinirmahan Na

IPINAG-UTOS NA ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga ahensya ng gob-yerno na simulan na ang pagsasaayos sa mga proseso ng bidding sa mga proyekto.

Pagpasok umano ng bagong taon, agad sisimulan ang frontloading o paglalabas ng mga pondo sa mga proyekto para sa ekonomiya at makalikha ng mga trabaho.

Nilagdaan na kahapon ng pangulo ang P1.816 trilyon na 2012 national budget, pinakamaagang budget signing simula noong 1987.

Sa ginawang talumpati ni P-Noy, kanyang ipinagmalaki na makasaysayan ang araw na ito dahil sa unang pagkakataon mula nang mabawi ang demokrasya ay ngayon lamang nalagdaan ang General Appropriations Act (GAA) nang maaga.

Pinaiimbestigahan na rin nito sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga dahilan kung bakit mabagal ang paglalabas ng mga pondo, ayon sa Pangulo.

Binubuo na rin ang mekanismo sa pagbibigay ng pabuya sa mga ahensiyang mabilis at tama ang paggastos ng mga pera, ani P-Noy.

Sa nilagdaang national budget, pinakamalaki ang mapupunta sa social services sector na may P568.6 bilyon, sunod ang economic services sector na may P438.8

bilyon, habang P356.1 bilyon sa pambayad ng utang, P338.1 bilyon sa general public services at P114.4 bilyon sa defense sector.

Sa hanay ng mga departamento, pinakamalaki pa rin ang Department of Education (DepEd) na may P238.8 bilyon, sunod ang DPWH na may P125.7 bilyon, DND na may P108.1 bilyon at sinundan ng DILG at Department of Agriculture.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.