P1.7-B Protective Gear Equipment, Bibilhin ng DND

KASALUKUYANG PRAYORI-DAD ng Department of National Defense (DND) na bumili ng protective gear para sa mga sundalo nasa combat zones.

Layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng mga sundalo habang nakikipaglaban sa mga kalaban ng pamahalaan.

Nabatid na nagkakahagala ng P1.76 Bilyon ang naturang protective equipment na nakatakdang bilhin ng Defense department.

Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, ibabahagi sa mga sundalong Army at Marines ang umaabot sa 44,080 sets na mga brand new protection equipment.

Ikinatuwa naman ng Philippine Army at Philippine Marines ang naging hakbang ng DND na bumili na force protection equipment para sa mga sundalong nasa combat area.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.