P1.5-M set-up, nasayang; mga trabahador, nawalan ng kita Nora Aunor, pack-up ang second shooting day!

NA-PACK UP ANG second shooting day ng Superstar na si Nora Aunor para sa El Presidente sa Aguinaldo Shrine in Kawit, Cavite noong Sabado.
The night before pa lang nang malaman ni Ate Guy na may shooting siya kinabukasan eh, inuubo na ito at nang matulog na nga eh, may sinat na. Kaya nang gumising siya kinabukasan, mabigat na talaga ang timpla ng katawan niya. Kaya na-late siya ng isang oras sa set ng nasabing pelikula.

Habang nilalagyan na siya ng make-up at wig ni Warren Munar, napansin na rin nito ang wala nang puknat na pag-ubo ng Superstar. Kaya, sige na sa kaasikaso sa kanya si Aldrin Gabriel at nakahanda na ang i-tinext naming mainit na calamansi juice when she reached the set.

Nag-ihaw pa nga ng calamansi si Aldrin para ipalagok sa kanya ito para maibsan ang pag-ubo niya.
Hindi kami basta makabili ng kahit na anong gamot para sa ubo at lag-nat ng Superstar dahil nga mula nang dumating siya rito sa bansa eh, maya’t   mayang   lumalabas   ang  allergy sa mukha niya. Kaya nga may shots sa pictures na ang taba ng pisngi niya.
Fully made-up na si Ate Guy. Suot na ang kanyang costume. Ready nang mag-reading sa pagku-coach ng  mahusay na aktor na si Pen Medina.
Pero iniihit na ito ng ubo. Kaya line producer Elaine Lozano decided to call na a doctor from the Divine Medical Center from By-Pass Road, Bacao, Gen. Trias, Cavite, si Dra. Joanne Cosare.

Pagdating ni Dra. Joanne sa trailer ni Ate Guy, agad nang kinuha ang BP nito. Na mataas nga. At tiningnan ang kanyang kalagayan. Sa findings ni Dra. Joanne, malubhang stress ang pinagmumulan ng matinding ubo, pati na sipon at ang manaka-naka ngang sinat nito.
Kami na ang nagsabi kay Dra. Joanne na siya na ang makipag-usap kay Ms. Elaine about the situation. Dahil ang prescription ni Dra. Joanne eh, complete bed rest from 3 days to a week para sa Superstar.

Hindi rin namin maialis na muntik na ring magpakuha ng kanyang BP ang line producer na si Elaine when she realized na mapa-pack up ang sinabi niyang P1.5-M set-up that day. Pero sabi nga ni Dra. Joanne, mas madadagdagan ang gastos ng production kung pipilitin na mag-shoot ng dalawa niyang eksena sa 3 sequences na kukunan that day ang Superstar.
Oo nga raw at gaya ng sinabi ni Elaine na hindi naman ito tatakbo, re-rape-in o gagalaw nang matindi, eh hindi rin makaka-perform nang tama ang Superstar at makikita rin ito sa kukunan sa kanya. Kaya, mahihirapan din sigurado ang direktor at director of photography nito sa makikita nila sa lente. Kaya for sure, magre-retake nang magre-retake.

Sa parte ng produksyon, malaking gastos nga ito kung tutuusin. Gusto mang pilitin ng Superstar na sumalang sa shoot that day, ang doktora na ang nag-advice na kung gagawin niya ‘yon, malamang na kailanganin na niyang iratay muna sa ospital.
Kaya ang mangyayari,mag-a-adjust sa mga schedules ang Superstar. Naging saksi naman ang bawat isa sa atin sa sunud-sunod na aktibidades na sinalangan nito, mula pa lang nang bumaba siya sa eroplano na dumiretso na sa press conference kinatanghalian at nang mga sumunod na mga araw nga eh, pinapangatawanan ang sinasabi niyang pagbabago nang makikita sa kanya.
Ang Superstar eh, tao. Hindi siya   robot.     Everybody wants to have a piece of her. At dahil kilala natin ang ugali nito, wala namang mabibigo sa mga gusto nila. Pero sana, let’s treat her naman ng may concern at pag-intindi rin sa kanyang health. Naka-isang linggo na siyang sunud-sunod na ginagampanan ang mga responsibilidad na nakaatang ngayon sa kanyang pagbabalik. Pero sana, maintindihan din natin na may mga pagkakataong kailangan din niyang ‘huminga’. Kung hindi naagapan ang kanyang kalagayan, sabi nga ni Dra. Joanne, papunta na ito sa pneumonia.
Para everybody happy. Sinabi ko nga sa kanya na nalungkot ang mga nasa production na excited siyang makatrabaho. Pero sa mga ito ko narinig ang concern nila para sa Superstar. Bago ang mawawalang kita sa kanila that day, marami sa kanila ang hindi natigil sa pagtatanong sa kalagayan ng Superstar.

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

32 thoughts on “P1.5-M set-up, nasayang; mga trabahador, nawalan ng kita Nora Aunor, pack-up ang second shooting day!

  1. HOY KAYONG LAHAT NA NANGLALAIT KAY THE ONE AND ONLY SUPERSTAR NORA AUNOR MAMATAY KAYO SA INGGIT AT MANAHIMIK KAYO…IF I KNOW INGGIT LANG KAYO KASI HANGGANG NGAYON SIKAT PA RIN SYA KAYO HINDI..AT ALAM NYO BANG PAG UMUUWI DIN AKO JAN SA PINAS NAGKAKA SAKIT DIN AKO…PALIBHASA DI PA YATA KAYO NAKAKA ABROAD KAYA DI NYO PA NARARANASAN ANG GANUNG SITWASYON…TSAKA MAY TAO BANG HINDI NAG KAKASAKIT? LAHAT NAMAN TAYO NAG KAKASAKIT AH?

  2. hindi ang pagiging national artist ang nakataya dito kundi and profesiyonalismo ng isang artisa. Nag commit siya na magtrabaho, dapat rain or shine, nilaglagnat o hagtatae, mag trabaho ka dahil nahasalalay sa yo ang hanap buhay ng mga taong nakapiligid sa iyo. Kung ubo ubo lang hindi ka mamatay dyan!

  3. No matter what people say, Nora Aunor will always be regarded as the greatest actress the Philippines Cinema have ever produced. The acting prowess, the exceptional and the extra ordinary talent she possesses puts her way above the rest
    .
    She is still the One and Only Superstar! Look, despite her long absence in the industry, when she came back halos lahat ng press ay nataranta at gustong makakuha ng scoop tungkol sa kanya. Just like in the past, lahat ng kilos, sasabihin at gagawin ng superstar is a big news at dapat isulat. Parang di pa rin nagbago ang admiration ng mga taong humahanga at nagmamahal sa kanya.

    Let us give her a chance because at the end of the day and as always she will make us proud again. Mabuhay Nora and welcome back!

    .
    .

  4. Mahirap lunukin ang katotohanang Ito ng ibang Tao. To be fair, kailangang maging objective ka sa pagbibigay ng opinyon. La Aunor may have done a lot of mistakes in the past at inamin naman Nya yon, sino ba ang taong walang baho dito sa mundo? Siguro yong ibang taong nag comment negatively ay Hindi pa nakapag travel ng napakalayo. I myself had experience this may pahinga pa ako ng 2 days bago ako sumabak sa trabaho.

  5. Pagbalikbaliktarin man ang mundo, Nora Aunor will always be regarded as the greatest actress and a complete ARTIST, considered to be a National Artist, in the future. Panahon na lang ang maghuhusga. Ang kanyang naabot sa national at international scene ay Hindi naabot ng sinumang Pilipinong artista and that includes Ate Vi. Vilma may have the most best actress awards in the Philippines dahil sa mas marami syang nagawang pelikula, pero mas maraming de kalidad na pelikula si La Aunor na tumatak di lamang sa Pilipinas but in the international arena AA well. Bakit kaya?

  6. nega people! she got sick and it’s pretty obvious the moment she set foot in there she didn’t stop working, hugging people and the weather itself didn’t help at all.. I heard is pretty hot combined with pollution what do you expect? Stop making up things up and being so nasty. The last time we were there the rest of us got sick because of it and we didn’t work hard just holidays. It’s understandable she will adjust, give the poor woman a break she’s having a second go and if a lot of you’s who don’t have anything better to say I suggest S T F U! nasty people unbelievable!! 

  7. sobra namang manlait ang iba rito, kahit naman ako pag dating sa pinas galing saudi or vice versa, madalas din akong magkasakit dahil sa pagbabago ng klima kaya normal lang yun kaya wag naman kayong manghusga agad. kung one month na at ganyan pa rin drama nya, dun kayo magreact ng kung ano ano, hirap sa inyo para kayong mga perpektong tao, lahat tayo, me kanya kanyang baho. at yung mahilig manghusga, asahan mo, yun ang may pinakamabahong tinatago, nanglalait ng iba para mapagtakpan ang baho nya!

  8. Di pa ba ninyo kilala si la aunor, nag sasakit sakitan lang yan, wag kalimutan artista yan at marunong umarte ng may sakit. Nasa pinas na si rendez kaya asahan na ang ganyan pagloloko ulit ni la aunor. Di na magbabago yan si la aunor. Kumuha ng bato pagpokpok sa sarili nilang ulo sina ER at TV5, next in line si mother lily kung matuloy ang project niya para sa MMFF. Akala siguro ni mother lily it’ll be just like flor contemplacion. Ang nagbenta sa flor contemplacion ay di si nora but the story kaya kumita.

  9. Obviously hindi pa nakakarating ng Amerika si mass prince. Hindi pa siya nakakaranas ng jet lag. Buti pa si Ate Guy stateside na.

  10. kung tunay kang artista, kahit may sakit tuloy pa rin ang shooting, show must go on. Kung ubo at siphon lang, hindi yan sapat na dahilan para hindi ituloy ang syuting. and FYI, kaya namamaga ang mukha niya dahil mataba siya at dapat magdyeta. Dapat niyang isipin ang mga taong hindi mababayaran ay pera mawawala from the producer. Hindi siya mamatay dahil sa ubo lang! Drama queen.

  11. Everytime umuuwi ako sa Pilipinas, inaabot ng 1 week bago mawala ang jet lag. And others may view this as kaartehan, pero hindi kaya ng baga ko ang pollution sa Pilipinas. Uubuhin ako na may kasamang malapot na dilaw na plema. It is one of the reasons why maraming turista from US and Europe ang di bumabalik sa Pilipinas.

    So hindi ako nagtataka sa nangyari kay Guy. 

  12. Kahit may sinat at ubo, nag-report pa rin si Nora sa set ! Kita naman ng lahat straight from airport sabak sya agad sa commitments. Doktor na mismo ang nagsabi na she needs to rest a bit.

  13. Moral, you made my day! kakatawa ka…keep it up mate! Gog, go,go! I love SUPERSTAR! Ding, ang bato daliiiiiiiiiiiii ( sabay lunok!) SUPERSTARRRRRRRRR!!!!!!!!!!!!!!!

  14. WALA NG PAG-ASANG UMAYOS YANG C NORA AUNOR. BIGYAN NYO NG ALAK AT DROGA YAN TYAK MABILIS PA SA KABAYO YAN. BWAHAHAHAHHAHHAHHAHAHA

  15. AGree ako kay Ronnie, ang tagal ng nawala ni Ms. Nora Aunor sa showbiz so sana bigyan siya ng pang-unawa at respeto man lang.

  16. Ms. Nora Aunor, with her intention to please everybody , she forgot that she is no longer youthful to be able to survive a stressful work condition. Give her all the respect and concern that she deserve.

  17. masyado overrated c nura. kung hindi lang dhil friends ni brocka ang mga bading sa cannes, france noon ay ndi rin mapanood ang movie ni nura. kesyo expressive daw mata ni nura sabi ng mga pinoy movie critics. e papano, mas marami lang kc judges na nakakarelate k nura dahil kamukha nila c nura at naka relate cla sa hitsura ni nura. nung matauhan c brocka, nakita nya mas mahusay pala c velma, nsabi niya likod pa lang ni velma, umaacting na. pati mga kamay ni velma, pang famas na. kaya walang himala. pero i have nothing against nura. dahil kung walang nura, walang velma. napatunayan ni velma ang title niyang star for all seasons. ewan ko lang ang mga iba’tibang star jan – me super, me mega, me diamond. pero nasaan na sila ngayon?

  18. ha ha ha what are u doing here mga vilmanians?

    mas MALAS SI VILMA, HINDI SA KANYA NAPUNTA ANG ROLE at mas malas ang mga vilmanians dahil mamamatay na silang walang matinong PELIKULA ANG IDOL NILA, hahahahahaha,

    pagka malas malas talaga ni vilma DAHIL WALANG NANGYARI sa effort niya na makagawa ng matinong movies para sa abroad, PALAGING pinababalik, see what happened sa dekada 70, PINAUWI bago pa man mag screening.

    sinumpa talaga sa para malasin si velma, dahil di man lang nakatuntong sa mga internationaol filmfest ha ha ha

    at mas lalong nagka malas-malas nya dahil na fish kill ang batangas, at nagkabreak sina angel at bading niyang anak, dahil sa pakikialam nya… sabihin ba naman ni angel na mas magaling si nora…

    mas pinakamatindi ang MALAS NA AABUTIN NG TAONG NAGSASABING MALAS si ATE GUY.
    hahaha

    IM SURE susuwertihin ang el presidente kasi MANONOOD kahit vilmanians pag showing na ito,

  19. Tingin ko, yung mga nagmama-asim ang mga minamalas sa buhay. Maraming hang-ups kaya hayan, si Ate Guy ang pingdiskitahan. Hoy, yung mga naninira kay Ate Guy, bilisan mo na ang pag-iinternet sa kanto, magsasarado na iyan. Bukas ng umaga, magtinda ka ng tinapa, para may pang-internet ka sa gabi, ha. At nang mailabas mo naman ang mga hinanakit mo sa buhay.

  20. lets face it. sino bang hindi magkakasakit? sa airport pa lang dagsa na ang mga tao, mainit ang weather tapos maulan pa, sunod may mga fans day siya, tapos work na kaagad. puyat at may jet lag pa yan. hindi pa nakapag-adjust si nora lusong na siya sa movie shooting.

  21. kung makapag-salita itong si MALAS TALAGA SI NORA akala mo siya ang may hawak ng kapalaran at kalusugan ng bawat tao.
    tingnan mo muna ang kalat at dumi sa bakuran mo bago mo husgahan ang iba! GOD forbids na mangyari sa ‘yo ang nangyari kay nora dahil kapag nagkataon mararamdaman mo rin kung ano ang tunay na pakiramdam ng taong may sakit.

  22. Aminin na kasi matanda na si nora at inaabuso pa ang katawan kaya ayan nagkasakit na. Kung di ba naman malasin ba naman sila, kinuha kuha pa nila si nora. Puede naman si Anita Linda.

  23. Tinamand lang yan si nora kaya nag sakit sakitan. Kinagat naman ng doctor ang sakit sakitan ni nora. Uminom yan ng alak kaya inubo. Bigyan nyo ng pera pang casino kung di gumaling yan kaagad. Pauwiin niyo sa pinas si rendez kundi biglang gumaling yan.

  24. MALINAW na man talaga na TRABAHO KAAGAD siya- on time pa. ON THE OTHER HAND, hindi ba laam ng mga MAPANIRANG TAO na may jet lag?

    AT SAKA YONG UBO AT LAGNAT ni Ms. Aunor ay CONFIRMED ng doctors. AT LEAST naPROVE ni Ms. Aunor that iundeed she can change for the better YON nga lang HINDI SIYA NAGKAROON nang tamang PAHINGA. Ako nga minsan aabutin ng 3-5 days jet lag tapos sisipunin ka talaga pag-adjust ng klima!

  25. hello, tao lang naman kasi ang superstar noh..malamang pagod na pagod na sya noh. pagdating ba naman ng pilipinas ay sunud-sunod na nang schedules nya noh…hindi man lang kasi pinagpahinga,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.