P1.4-M, Piyansa ng 12 Arestado sa Pagsadsad ng Chinese Vessel sa Tubbataha

UMABOT SA P1.4 milyon ang inirekomendang piyansa ng Palawan Provincial Prosecutor’s Office sa 12 Chinese na inaresto matapos sumadsad ang bangka ng mga ito sa Tubbataha Reef noong Abril 8.

Sinabi ni Tubbataha Management Office (TMO) Head Angelique Songco na nasa P120,000 bawat isa ang recommended bail sa mga Chinese sa kasong poaching, illegal entry at bribery, bukod pa sa pagkakadiskubre ng frozen anteaters.

Bagama’t maaaring mag-

lagak ng piyansa, sinabi ni Songco na hindi pa rin makalalabas ng bansa ang mga dayuhan dahil isa sa mga kondisyon para makapagpiyansa ang hold departure order (HDO).

Sa ngayon, tinatayang mas malawak ang pinsalang idinulot ng pagsadsad ng Chinese vessel sa Tubbataha Reef kumpara sa sumadsad ding USS Guardian.

Lumalabas sa inisyal na assessment, umaabot na sa 2,300 square meters ang pinsala ng Chinese vessel sa mga coral reef at posibleng lumawak pa ito dahil hindi stable ang bangka at gumagalaw tuwing malakas ang alon.

Una nang sinabi ng assessment team ng USS Guardian na nasa 2,345 square meters ang pinsalang iniwan ng barko sa Tubbataha.

Samantala, dumating na kahapon ang tugboat na kinomisyon ng Philippine Coast Guard (PCG) para tumulong sa paghila sa barko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.