P1.4-M, Natangay sa Shoe Store

UMAABOT SA mahigit P1.4 milyon ang tinangay ng mga nanloob sa isang tindahan ng mga sapatos sa Tuguegarao City.

Kabilang sa mga tina-ngay ng mga hindi pa nakikilalang mga kawatan ay ang P400,000 cash, tseke na nagkakahalaga ng P1 milyon, mga panindang sapatos at sandal at isang baril na cal. 38 na gamit ng kanilang guwardiya.

Ayon sa mga kinauukulan, nagulat ang branch manager ng Zenco Footstep na si Nelson Lim, 48, residente ng Brgy. Carig, Tuguegarao City nang makitang nagkalat ang kanilang mga paninda pagpasok nito sa pina-ngangasiwaang establisimyento.

Dumaan ang mga salarin sa fire exit na nasa likurang bahagi ng gusali.

Samantala, masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang pangyayari lalo na umano’t walang nakitang mga palatandaan na pinuwersang binuksan ang vault na nasa opisina ni Lim kung saan nakalagay ang mga tinangay na pera, tseke at baril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.