P1.3-M relief goods ng ‘Pinas sa Japan, go na!

AABOT SA P1.3 million ang relief good na ipadadala ng Pilipinas sa Japan na biktima ng 9.0 magnitude na lindol at tsunami.

Ayon kay National  Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Director, Benito Ramos, nagmula ang ayuda sa Department of Social and Welfare Development (DSWD), kung saan nakapaloob ang mga pagkain at iba’t ibang in kind assistance.

Sinabi ni Ramos na ang Pilipinas din sa pamamagitan ng Philippine Airlines ang maghahatid sa Japan ng naturang mga relief goods.

Gayunman, inamin ni Benito na wala pang petsa kung kailan darating ang naturang ayuda dahil depende pa rin sa desisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nilinaw rin ng NDRRMC na ang tulong ng Pilipinas ay tinanggap na ng Japan na taliwas sa unang alok na $14-M  ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aguino III na “politely rejected”.

Samantala, naka-istambay rin ang Search and Rescue Team ng Pilipinas na ipapadala sa Japan upang tumulong hindi lamang sa mga Pinoy na biktima ng trahedya kundi sa mamamayan ng Japan.           (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.