P1.3-M INTEL FUND, NILUSAW NG OIC NG WATER DISTRICT

MALOLOS CITY – MALAKI ang posibilidad na maharap sa kasong Malversation of Public Funds, ang OIC General Manager ng Malolos Water District makaraang madiskubre ng dating general manager na si Nicasio “Boy” Reyes ang dokumentong naiwan sa paglisan ni Engr. Florante Aquino nito lamang nakalipas na linggo.

Nadiskubre ni Reyes, ang isang papel na listahan ng pinaniniwalaang winaldas na milyong piso ni Aquino, kung saan nakasaad sa dokumento na may petsang Hunyo 29 2010, na pinirmahan nito na nailabas na nito ang Php.1,305,000,00. na umano’y ginamit sa intelligence funds nang nabanggit na ahensiya.

Ayon kay Reyes, kailanman hindi pinapayagan ng LUWA,na magkaroon ng intelligence funds ang alin mang water district office sa buong Pilipinas, subalit nakapagtataka aniyang nailabas ang naturang salapi, mula sa kaban ng Malolos Water District.

Base sa record na hawak ng Pinoy Parazzi, nagsimulang maglabas ng pera mula sa pondo ng water district nitong lamang nakaraang Marso 4, 2010, na nagkakahalaga ng P300,000.00,na kinuha ng isang Arlene Jamito at muling naglabas ng pera kinabukasan Marso 5, 2010 na nai-withdraw naman ni Aquino sa halagang P260,000.00.

Muling naglabas ng pera nitong Mayo 20 na halagang P120,000.00 at Mayo 27, 2010 ng halagang P500,000.00, at muli itong nasundan nitong Hunyo 2, 2010 na nagkakahalaga naman ng P125,000,00. kung saan isang tao lamang ang kumuha, sa katauhan ni Aquino.

Nailabas lahat ang naturang salapi sa pamamagitan ng apru-bal ni Senior Internal Control Officer Ricardo B. Jemenez, na siya ring tumatayong Accountant ng naturang tanggapan.

Ayon kay Reyes, maliwanag na paglustay ito sa kabang-yaman ng water district, dahil wala sa batas na magkaroon ng intelligence fund ang naturang ahensiya. Bukod dito, wala rin umanong board resolution ang paglalabas ng nabangit na halaga bilang intelligence funds.

Magugunitang nito lamang nakalipas na linggo, ibinalik sa puwesto si Reyes, kasama ang apat pang opisyal at kawani, matapos maglabas ng final order ang Civil Service Commission, dahil iligal ang pagsuspinde sa kanila noong Nobyembre 29, 2009, kung saan nakasaad din sa kautusan ng CSC na ibalik din sa mga ito ang kanilang mga backwages at benefits.

Ayon naman sa opisina ng city mayor, maliwanag ang kautusan ng CSC. Marapat lamang na tumalima ang mga taong inaatasan nito, kung saan kailangang ipatupad ang tamang batas, at isantabi na muna ang kulay-pulitika.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “P1.3-M INTEL FUND, NILUSAW NG OIC NG WATER DISTRICT

Leave a Reply

Your email address will not be published.