P1.3-M Halaga ng Alahas, Natangay sa Mag-asawa

TINATAYANG AABOT sa P1.3 milyon na halaga ng mga alahas ang natangay ng mga magnanakaw mula sa isang bahay sa Barangay Cogon, Roxas City.

Ikinagulat ng mag-asawang Armando at Delia Baquilar nang makitang nakabukas na ang pinaglagyan ng mga alahas sa kanilang kuwarto at wala na rin ang mga pag-aaring mamahaling singsing, kuwintas at pulseras.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga miyembro ng Roxas City PNP, walang nakitang ebidensiya na may forcible entry o may winasak na bahagi ng bahay upang magsilbing daanan ng mga magnanakaw.

Samantala, napag-alaman na nasa loob din ng bahay ang mga katulong at pamangkin ng mga biktima nang mangyari ang pagnanakaw.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan at nakuha na rin ang mga fingerprints sa lugar.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.