P1.2-T Target, ‘Di Kaya ng BIR

MAY PAGDUDUDA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maaabot nito ang P1.2 trilyong target ngayong taon dahil P989.3 bilyon pa lamang ang kabuuang nakokolekta ng naturang ahensiya sa unang 10 buwan ng taon at P95.5 bilyon lamang ang nalikom noong buwan ng Oktubre.

Ayon kay BIR Commissioner Kim S. Jacinto-Henares, noong nakaraang buwan, 19 na revenue regional office ang lumikom ng P34.4 bilyon sa balanseng P58.8 bilyon ng Large Taxpayers Service (LTS), ang specialized audit division sa national office.

Inihayag ng BIR chief na ang P3.2 bilyon deficit para sa Oktubre ay dahil sa pagsama ng non-recurring o one-time transaction ng P4 bilyong creditable withholding at documentary stamp taxes mula sa pagbebenta ng government-owned Food Terminal Inc. noong nakaraang taon.

Samantala, lumalabas sa statistics na ang ahnesiya ay kailangang lumikom ng karagdagang P236 bilyon para maabot ang target na P1.2 trilyon sa kasalukuyang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.