P1.2-B ari-arian, winasak ng mga rebelde

KABUUANG P1.2 bil-yong halaga ng mga ari-arian ang winasak ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa may 31 pagsalakay ng mga ito sa mga business establishments at government infrastructure projects noong 2011.

Batay sa report na nakalap ng iba’t ibang field units ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pinakamalaking pag-atake ng mga rebelde ang sunud-sunod na pagsalakay sa mga mining companies sa Claver, Surigao del Norte noong Oktubre.

Umabot naman sa P300 milyon ang kinita ng mga rebelde sa kanilang extortion activities noong isang taon.

Sinasalamin anila nito ang pagpapalit ng sistema ng NPA na mula sa guerilla organization ay naging criminal group na.

Bumaba naman ang NPA-initiated violent incidents (NIVIs) simula noong 2008.

Noong 2011, umabot sa 447 ang karahasan ng mga rebelde na 11% na mababa kumpara noong 2010 na umabot sa 501.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.