P-Noy, Walang Kinalaman sa Kudeta Vs. Enrile – Palasyo

NILINAW NG Palasyo na wala silang kinalaman sa kumakalat na impormasyong iku-kudeta ng mga senador si Senate Pres. Juan Ponce Enrile.

Mismong sina Enrile at Sen. Jinggoy Estrada ang nagbigay ng indikasyong may niluluto laban sa beteranong Senate President.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ‘firt time’ nilang marinig ang nasabing balita at wala silang partisipasyon sa anumang balak laban kay Enrile.

Maganda ang relasyon nina Pangulong Noynoy Aquino at Sen. Enrile at hindi nila alam ang basehan ng kumakalat ng impormasyon, ani Valte.

Gayunman, hindi kategorikal na masabi ng Malacañang na suportado nila si Enrile dahil independent umano ang mga senador at may sariling mga desisyon.

Baka rin daw mapagkamalang ‘bata’ o hawak ng administrasyon si Enrile kung hayagan silang mag-commit ng suporta sa kanyang liderato.

“The President has a very good relationship with Senate Pres. Enrile,” dagdag pa ni Valte. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “P-Noy, Walang Kinalaman sa Kudeta Vs. Enrile – Palasyo

  1. anong walang kinalaman. sya ang pasimuno nito. gusto kase nyang hawakan lahat sa leeg. kahit korte suprema gusto nyang diktahan. Diktador talaga sya.

  2. Naku sino naman ang maloloko ninyo siyan eh nilakad nga ni Pinoy ang congreso, hayun in one day impeached si Corona, samantalang si Del Castillo discussion muna bago impeachment, ito di dumaan sa proceso. Huwag ninyong linlangin ang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.