P-Noy, Sinuportahan si De Lima sa ‘Vizconde case’

SINUPORTAHAN NI PANGULONG Noynoy Aquino si Secretary Leila De Lima sa inihain nitong bagong ebidensiya na magpapatunay na diumano’y hindi umalis ng bansa si Hubert Webb nang maganap ang malagim na pagpatay sa pamilya Vizconde 20 taon na ang nakararaan.

“What is her function? To serve the ends of justice. And that’s what the evidence pointed to, according to her,” ayon sa pahayag ni Aquino.

Sumasang-ayon ang Pangulo kay De Lima kaugnay ng NBI reinvestigation findings. Ipinarating din nito sa pamilya Webb na maaari silang magharap ng kanilang mga reklamo laban kay De Lima sa tamang lugar.

“We have a democracy in place. We’re supposed to be governed by the rules of law. Then if the aggrieved party thinks that there is basis, then they can file the appropriate charges in the appropriate fora,” ani pa ng Pangulo.

Sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nananatili pa rin ang tiwala ng Palasyo sa Justice Secretary.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar, hangad lamang ng DOJ at NBI officials na malaman ang katotohanan bilang bahagi ng kanilang mandato. (Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.