P-Noy, Pumalag sa Akusasyon ng Panggigipit kay Lozada

MARIING ITINANGGI ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang akusasyong harassment ni NBN-ZTE deal whistleblower Jun Lozada.

Maaalala na sinabi ni Lozada na nakararanas siya ng panggigipit mula sa administrasyon at patunay rito ang tatlong kaso sa Ombudsman.

Akusa pa niya, ginagantihan siya ng Pangulong Aquino sa pagtanggi noong senador pa ito na masundo siya sa Hong Kong kasunod ng pagsisiwalat ng anomalya.

Sinabi naman ng Pa-ngulo na inabutan lang ng kanyang administrasyon ang mga kaso ni Lozada.

Hindi rin aniya niya ugali na panghimasukan ang mga kaso at mismong ang mga kaso ng kaalyado niyang sina Secretary Neric Acosta at Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca ay nagpapatuloy.

Samantala, paliwanag pa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi maaaring makialam ang Pangulo sa kaso ni Lozada, bagkus ay hinihimok nito ang whistleblower na pagtibayan ang depensa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.