P-Noy, Nagpasaring sa mga Revilla:
“Huwag umasa sa agimat!”

NAGPASARING SI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa mga Revilla sa kanyang pagbisita sa Imus, Cavite para pasinayaan ang isang proyekto.

Sa ginawang talumpati sa paglulunsad ng Alay sa Mamamayan project, unang sinabi ni Pangulong Aquino na kabilang sa kanyang tungkulin ang pagbisita sa iba’t ibang lugar sa bansa upang iulat ang mga nagawa ng administrasyon.

Dahil malapit na aniya ang eleksyon, nasa kamay ng mga Caviteño ang pagpapasya sa kung anong ruta ang pipiliin – ang tuwid na daan na magtitiyak ng mga serbisyo o ang daan sa kahirapan.

Nagbabala ang Pangulo laban sa ibang mapagkunwaring nagsusuot ng dilaw.

Pasaring pa niya, huwag umasa sa agimat o anting-anting na siya namang tatak ng mga Revilla sa showbiz.

“Paalala lamang po. Asahan na po ninyong may mga nagpapanggap at may mga nakikisakay diumano sa ating krusada. May mga nakikisuot ng kulay dilaw pero hindi tiyak kung anong kulay ang nasa loobin. Huwag po tayong umasa sa tsamba o sa agimat o anting-anting.”

Tulad naman ng ginawa sa Cebu na tinawag na campaign sortie ng ilang kritiko, ipinakilala rin ni P-Noy sa Cavite ang mga kandidato ng Liberal Party (LP) para sa lokal na posisyon.

Samantala, kasama rin ng Pangulo sina senatorial candidates Bam Aquino at Risa Hontiveros.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

3 thoughts on “P-Noy, Nagpasaring sa mga Revilla:
“Huwag umasa sa agimat!”

  1. tama ka jan ka totoy,ako nga laking sisi ko na iba binoto ko nung araw,kung ako lng tatanungin mo mas gusto ko pa maging president si gordon dahil malupet sya naniniwala ako na titino ang pilipinas kung si richard gordon ang presidente ntin ngayon…

    • tama wag e asa sa AGIMAT o ANTING-ANTING ang bansang Pilipinas kasi totoong buhay na ito at hinde ito pang television..gumanda na ang economy natin at sa atin mga vote nakasalalay ang patuloy sa pag unlad ng ating bansa..maging wise tayo sa pag vote paalala lang di purke sikat sila na e vote nyo

  2. MY GOD DI KO MA IMAGINE KUNG SI REVILLA ANG MAGING PANGULO EH YUNG LUGAR NGA NYA SA CAVITE DI NYA MAAYOS AYOS..AT MADALA NARIN TAYO SA MGA NAKARAAN ARTISTA GINAWANG PANGULO, ANONG NANGYARI????????????? WAG NAMAN BAKA BABAGSAK ULET ECONOMY NATIN SA PILIPINAS, SINO ANG KAWAWA TAYO RIN AT SILA ANG YUMAYAMAN 

Leave a Reply

Your email address will not be published.