P-noy, naglabas ng P2-M reward sa ulo ng nakabaril kay Nicole

NAGPALABAS SI Pa-ngulong  Benigno ‘Noy-noy’ Aquino III ng P2 milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapatuturo sa nakabaril kay Stephanie Nicole Ella sa Barangay Malaria, Caloocan noong pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, inilabas  na ng Pangulo ang balita noong Huwebes.

Tumanggi namang magkomento pa sa estado ng kaso si Valte.

Samantala, inihatid na sa huling hantungan nitong Sabado si Nicole sa Norzagaray, Bulacan.

Umaasa naman ang Pamilya Ella na ma-reresolba ang kaso at matutukoy ang suspek at mabibigyan ng hustisya ang bata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.