P-NOY, nagkamali ng tiwala

NANINIWALA SI PANGULONG Benigno Aquino III na mapayapa sanang naresolba ang naganap na hostage crisis noong Agosto 23 sa Quirino Grandstand, ayon sa kanyang pahayag kahapon sa press conference sa Malacañang.

Sinabi ng Pangulo na may tiwala ito sa kakayahan ng ground commander, kay Manila Police District Chief Superintendent Rodolfo Magtibay, at sa ginawang pag-back-up ni Chief Superintendent Leocadio Santiago, pinuno ng Special Action Force ng Philippine National Police.

Sinimulan ni P-Noy ang pagmo-monitor sa telebisyon sa nagaganap na hostage incident noong alas-11 ng umaga ng araw ring iyon. Naniniwala ang Pangulo na matatapos itong mapayapa at walang dugong dadanak dahil pinakawalan na ng hostage-taker na si Senior Inspector Rolando Mendoza ang mahigit kalahati sa mga turistang Tsino nang walang hinihinging anumang kapalit.

Inamin din ng Pangulo na naalarma ito nang malaman ang naging resulta ng matinding galit ni Mendoza nang makatanggap ito ng sulat buhat sa Ombudsman at sa ginawang pag-aresto sa kapatid nito na si Senior Police Officer 2 Gregorio Mendoza.

“I thought… who ordered [Gregorio Mendoza’s] arrest and why was this shown and its effect [to the hostage- taker],” pahayag pa ni P-Noy.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.