P-noy, nabiktima rin ng text scam

KAHIT ANG PINAKAMAKAPANGYARIHANG tao sa Pilipinas ay nabibiktima rin ng text scam.

Inamin mismo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na maging siya ay nabiktima na rin ng text message na nagsasabing: “Kumusta na kayo diyan? Eto na ang bagong roaming ko.”

Sa simula umano, hindi alam ni P-Noy na scam ang nasabing text message, kaya nag-reply pa siya ng: “Who’s this please? Mukha hong missend.”

Sumagot naman ang texter sa Pangulo ng: “Kapatid mo.”

Muling nag-text si P-Noy: “Wala akong kapatid sa abroad. Good night sa inyo.”

“Noong una, naaawa ako na baka nagkakamali ito, hindi pa niya nakausap ang kamag-anak niya. Pero nakabalik nang tatlong beses, loko itong mga ito,” pagkukuwento ng Pangulo sa isang dinner na pinangunahan niya para sa mga mamamahayag sa Malacañang noong Martes ng gabi.

Hindi rin iyon ang unang pagkakataon na nakatanggap ang Pangulo ng mga text spam. May mga text message, ayon sa kanya, na nag-o-offer ng loan para sa kotse o sa bahay.

“Gusto kong magpalit ng numero pero ‘yung gusto kong bigyan ng numero, marami-rami rin,” sabi ni P-Noy.

Sa kabila ng pagiging sobrang abala, ginagawan pa rin ng paraan ni P-Noy na masagot ang lahat ng napakaraming text messages na natatanggap niya araw-araw.

Sai ni P-Noy, kadalasan niyang sinasagot ang mga text messages pagkagising niya sa umaga o bago matulog sa gabi.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “P-noy, nabiktima rin ng text scam

Leave a Reply

Your email address will not be published.