P-noy, mistulang nanakot sa pista ng Quiapo

KINONDENA NG isang grupo ang babala ni President Benig-no “Noynoy” Aquino III na may terror attack sa pagdiriwang ng ika-405 taong Pista ng Itim na Nazareno noong Lunes.

Ayon sa “I Watch You”, unprecedent  o hindi tamang halimbawa ang ginawang anunsiyo ng pangulo dahil nagmistula itong nanakot at alarmist  sa mga deboto ng Black Nazarene na sanhi ng pagkahati at kawalan ng pokus ng mga taumbayan.

Giit ng grupo, hindi lamang ang mga deboto o mga residente sa paligid ng Quiapo Church ang natakot kundi maging ang mga dayuhang nasa bansa.

Maituturing din na tila kinontra ng Aquino administration ang pagpupursige ng pamahalaan na maalis ang imahe ng terorismo sa bansa lalo na’t naisabay sa babala ang launching ng Department of Tourism  (DOT) na “It’s More Fun in the Philippines”.

Bukod sa pagbuo ng takot, kinuwestiyun din ng grupo ang anunsyo na pag-jam o pagpatay sa signal ng cellphone ng mga telephone company na masasabaing mali rin dahil bahagi ito ng security operations.

Ang ganitong hakbang ay hindi anila ginawa noong nakalipas na mga panahon kahit pa may na-detect silang banta sa seguridad. Sa halip ay pina-igting lamang ang seguridad.

Naniniwala ang grupo na isang ‘testing water’ o mayroong mas malalim pang senaryo ang nais na malaman ng pamahalaan sa naging hakbang, gaya ng kung paano ang pagtanggap ng publiko, gayundin kung suportado ang kanilang hakbang sa mga susunod na araw.

Isang nakatatakot na senaryo nga kung magiging katanggap-tanggap sa publiko ang ginawang cellphone jamming, dahil magiging practice o gawain na ito ng pamahalaan kung may nais gipitin na karibal sa pulitika o para sa magulong sitwasyon.

Samantala, mistulang  pinatunayan din ng Pangulo ang kanyang pagiging inconsistent nang siya mismo ang nagbabala sa banta ng terorismo. Kung magugunita, si Mr. Aquino ang kumondena sa Estados Unidos at iba pang bansa nang maglabas ang mga ito ng travel advisory sa Pilipinas kamakailan.

Nagtataka ang IWY sa ginawa ni P-Noy, lalo na’t nais nitong maalis ang imahe ng terorismo sa bansa. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.