P-noy kay Corona: walang personalan

AYAW MAGPAAWAT ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa kanyang mga batikos laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa kanyang pahayag mula sa lalawigan ng Aurora, muling iginiit nito na walang personalan sa kanyang mga patutsada laban kay Corona at bahagi umano ng umiiral na demokrasya sa bansa ang pagpapahayag ng kritisismo.

Una nang nanawagan ang Senado sa pinuno ng ehekutibo at hudikatura na tigilan na ang kanilang “word war”.

Para naman kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, maliban sa hindi umano tama ang nagaganap na palitan ng batikos ng dalawang lider, hindi na rin umano maganda sa mata ng publiko ang nangyayari.

“Not only improper but also unbecoming of their stature,” ani Sotto.

Kaugnay nito, tumanggi ring patulan ng punong ehekutibo ang hamon ng punong mahistrado na isiwalat nito sa publiko ang kanyang psychological records.

Kamakailan, binigyang-diin ng Palasyo na walang basehan ang hamon ni Corona dahil wala umanong dapat ilabas na anumang mental record ang Pangulo dahil peke raw ang pinagbabasehang dokumento.

Insulto raw ang hamon ng punong mahistrado sa Pangulo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.