P-Noy, Hinikayat na Suportahan ang Indigenous People’s Right

HINIKAYAT KAHAPON ng mambabatas mula sa Ifugao si Pangulong Benigno Aquino III na lagdaan na ang International Labor Organization Convention 169 on Indigenous and Tribal People, gayundin ang Senado upang maratipikahan na ang nabanggit na panukalang batas para sa mga katutubo ng bansa.

Ayon kay Rep. Teddy Brawner Baguilat ng Lone District ng Ifugao at author ng House Resolution No. 2708, ang ratipikasyon ng ILO 169 ay makapagpapalakas ng implementation ng United Nations Declaration on the Right of the Indigenous People o (UNDRIP) at ng Indigenous Peoples Right Act of 1997 at ng Republict Act 8371 (IPRA) sa bansa, tulad din ng ILO, at supervisory body na titingin sa implementasyon ng convention.

Sinabi pa ni Baguilat na ang ang mga nabanggit na tanggapan tulad ng UNDRIP, IPRA at ang ILO 169 ay magkakatulad ng pagpapatupad ng kolektibong karapatan at sa reyalidad ng buhay sa lipunan ng mga katutubo sa bansa.

Magugunitang inampon ng ILO noong 1989 ang Indegenous and Tribal Peoples Convention (ILO 169) at magkatulong na nirebisa ang Indigenous Tribal Population Convention (ILO 107) ng taong 1957, upang magbalangkas ng mga bagong kolektibong karapatan ng mga katutubo.

Base sa talaan ni Ifugao Cong. Baguilat, aabot sa 14 hangang 17 milyong indegenous people ang naninirahan sa bansa na parte rin ng marginalized sector at nanatiling kapos sa tulong ng pamahalaan, ganu’n din ang pagkawala ng kanilang kultura at mga lupain.

(Ferdie Javines)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.