P-Noy, Duda na May Kiram Sympathizers sa Sabah

KUMPIYANSA ANG Pangulong  Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na hindi makakakuha ng ibang suporta o simpatiya ang grupo ni Raja Muda Agbimuddin Kiram sa Sabah, Malaysia.

Sa harap ito ng napau-lat na pagkalat ng kaguluhan sa Semporna maliban sa Lahad Datu kung saan nakakordon ang puwersa ng Malaysia.

Ayon sa Pangulo, malabo ang napabalitang umano’y nag-alsahang Pinoy sa Sabah para tumulong sa grupo ng mga Kiram.

Sinabi ng Pangulo Aquino na nagpapatupad na rin sila ng preemptive measures sa bahagi ng Tawi-Tawi, Sulu at Basilan para maiwasang kumalat doon ang kaguluhan.

“Naka-focus, sabihin na natin, naka-focus tayo dito sa ating mga probinsiya tulad ng Tawi-Tawi, tulad ng Sulu, tulad ng Basilan. Pero dito, ‘yung spillover, ang pagkaintindi ko may tinutugis sila na pananaw nila ay mga supporter ng grupo nina Datu Puing. So hindi… ‘Pag sinabi mong spillover kasi, para bang may mga sympathizers and supporters na biglang nag-alsahan. Mukhang hindi ganoon ang umabot na report sa atin,” ani P-Noy.

Kasabay nito, tiwala ang Pangulo na hindi aatras bilang third party facilitator sa peace process sa MILF ang Malaysia sa kabila ng nangyayaring gulo sa Sabah.

Ayon sa Pangulo, kai-langan lamang patunayan na tapat at responsable tayong kausap para hindi mawalan ng interes ang ibang bansa.

Naniniwala rin ang Pa-ngulong Aquino na kapwa interes ng bansa at Malaysia ang katahimikan sa Mindanao dahil makatutulong ito sa seguridad din sa kanilang bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.