P-Noy, double standard sa isyu ni Llamas

PATULOY ANG pagdistansiya ng Palasyo sa panibagong kontrobersya na kinakaharap ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas.

Matatandaang naaktuhang bumibili ng piniratang DVD si Llamas, ilang buwan lamang matapos mabisto ang mga malalakas na kalibre ng baril sa loob ng sasakyan nito.

Ilang kongresista at mga obispo na rin ang humihiling na patalsikin sa puwesto si Llamas dahil malaking kahihiyan ito sa administrasyong Aquino.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bahala na si Llamas na ipaliwanag ang sarili. Hindi nila maaaring pangunahan ang Pangulo at depende ito sa magiging paliwanag ng kalihim, dagdag pa ni Lacierda.

Una nang sinabi ni Pa-ngulong Noynoy Aquino na ayaw niya munang husgahan si Llamas at hindi rin nito prayoridad ang kampanya kontra pirata.

Dahil dito, sinasabi ng mga kritiko ng pangulo na lumalabas ang pagiging double standard nito. Dahil kakampi ni P-Noy, hindi agad hinuhusgahan at dumadaan sa ‘due process’ bago kastiguhin, pero kung kalaban sa pulitika, mabilis na kinu-ku ndena ng Palasyo at kaagad na pinakakasuhan kahit hindi dumaan sa ‘process’ tulad umano nang nangyari sa impeachment case ni Chief Justice Renato Corona, anila. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “P-Noy, double standard sa isyu ni Llamas

  1. Puking ina mo Noynoy Abnoy! Makita ko lang mukha mo sa tv asar na asar na ko, lagi kang ngiting aso na animal ka…

Leave a Reply

Your email address will not be published.