P-Noy, ‘Di Aawayin ang Malaysia Dahil Lang sa mga Kiram

MARIING IGINIIT ni Pa-ngulong  Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na mas pagtuunan na lamang ang kapakanan ng nasa 800,000 Pilipinong nasa Sabah.

Ayon sa Pangulo, sariling interes lang naman ang hinahabol ng nasa 300 tauhan ni Raja Mudah Agbimuddin Kiram na sanhi ngayon ng kaguluhan sa isla.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi nito maintindihan ang tulong na hinihingi ng mga Kiram na tiyak lamang na maglalagay sa Pilipinas sa kaguluhan.

Tiniyak din ng Pangulong Aquino na hindi nito ipadadala ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Sabah dahil magreresulta ito ng giyera sa Malaysia.

Sa kanyang pag-iikot sa Mindanao, paulit-ulit ang pagpapaliwanag ng gob-yerno laban sa hakbang ng mga Kiram.

Samantala, hindi rin raw makukuha sa dahas ang kanilang claim sa Sabah at dapat silang umuwi para pag-usapan ang problema.

“So ano ho ba ang gusto nilang gawin ko? ‘Pag pinadala ba natin ‘yung Sandatahang Lakas natin diyan, ‘yung Malaysia ba hindi mag-iisip na: ‘Aba, tumutulong ba kayo sa solusyon o lalakihan ninyo ‘yung problema?’ Dahil dumami na nga, dumami pa lalo ‘yung armado. O ‘di huwag nating ipadala ‘yung Sandatahang Lakas na armado,” ani ng pangulo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.