P-Noy, Dapat Mag-protesta Kontra China

HINDI SAPAT para sa ilang environmentalists ang pagsasampa ng kaso laban sa mga Chinese fishermen ng sumadsad na bangka sa Tubbataha Reef noong Lunes.

Sinabi ng grupong Kalikasan-People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) na kailangang maghain ng diplomatic protest ang administrasyong Aquino laban sa China para ipa-kita ang pagkadismaya sa panibagong insidente ng pagkabalahura sa teritoryo ng Pilipinas.

Kasabay nito, binatikos din ng nasabing grupo si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa anila’y maling paghawak sa mga kaso ng pagpasok ng mga dayuhan sa teritoryo ng bansa.

Mistulang nakalimutan na rin anila nito ang ilegal na pagpasok ng mga Chinese sa Scarborough Shoal.

Maaalala na sumadsad nitong Lunes ng gabi ang isang Chinese fishing vessel sa Tubbataha, mahigit isang linggo lamang matapos tuluyang matanggal ang sumadsad na USS Guardian ng US Navy.

Samantala, una nang sinabi ng Pangulong Aquino na pananagutin ang mga Chinese fisherman at may-ari ng bangkang sumadsad sa Tubbataha Reef, pero dumistansya ito sa pagpapanagot sa China.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.