P-Noy, Burara sa Foreign Relations

HINIKAYAT NG isang eks-perto sa international relations si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na pahupain imbes na dagdagan ang tensyon sa Sabah, Malaysia.

Ayon kay Prof. Clarita Carlos, hindi nakatutulong ang mga pananalitang binibitawan ng Pangulo tulad ng ‘surrender’ at iba pang pagbabanta sa mga Kiram.

Sinabi ni Carlos na dapat pag-isipan muna ng Pangulong Aquino ang mga sasabihin bago buksan ang bibig at iwasang maging burara sa foreign relations.

Kumbinsido ang naturang propesor na dapat daanin sa ‘backchanneling talks’ ang nasabing  isyu para magkaroon ng maayos na resolusyon.

Dapat unawain ng mga taga-pamahalaan ang kultura at pananaw ng mga Tausug tulad ng mga Kiram na galing sa lahi ng mandirigma, dagdag pa ni Carlos.

Pinayuhan din nito ang Pangulong Aquino na kausapin ang mga academician para magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa Sabah claim.

Tulad daw ng sinabi ni Undersecretary Baja ng DFA na may solidong basehan ang claim ng bansa sa Sabah base na rin sa pag-aaral at pananaliksik ng mga legal at eksperto sa kasaysayan.

Hindi rin nababahala ang propesor na maaa-ring magkalamat ang relasyon ng Pilipinas sa Malaysia kung para naman sa kapakanan ng bansa.

Samantala, aminado rin si Carlos na hindi nga dapat Malaysia ang facilitator sa peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kundi Indonesia na mas neutral sa naturang isyu.

Maaalala na inaakusahan ang Malaysia na siyang nagsanay sa Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari para malihis ang claim ng Pilipinas noon sa Sabah.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.