P-noy, bumisita na rin sa mga biktima ng Sendong

MATAPOS UMANI ng batikos sa mga kritiko, binisita na kahapon ni Pangulong Noynoy Aquino ang Cagayan de Oro City na isa sa pinakamalalang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Sendong sa Mindanao, kung saan agad din siyang nagsagawa ng briefing at nagdeklara ng ‘national state of calamity’.

Nauna rito, kinondena ng mga kritiko ng pangulo ang pakikipagsaya nito sa Christmas party ng Presidential Security Group, sa kabila ng kahabag-habag na kalagayan ng mga kababayan sa Mindanao, kung saan pinangangamba-hang lalagpas na sa 1,000 ang namatay dahil sa bagyo.

Ayon sa mga kritiko ng administrasyon ni P-Noy, muling ipinakita ni P-Noy ang pagiging ‘insenstive’ sa kalagayan ng mga kababayan, lalo na sa mga emergency situation.

Una nang kinakitaan umano ng kawalan ng pagmamalasakit si P-Noy nang hindi ito napagkikita noong kaigtingan ng Manila hostage crisis na nagresulta sa trahedya ng pagmakatay ng 8 hostage at ng hostage-taker na si Rolando Mendoza, at pagkasugat ng 7 pa hostage at dalawang bystander.

Sa nararanasang kahirapan naman ng maraming kababayan, nagawa pa umanong bumili ni P-Noy ng kotseng ‘Porsche’ na bagama’t second hand at galing umano sa kanyang bulsa ang ipinambili ay nagkakahalaga ng P4.5 milyong piso, na tila ipamumukha pa sa mga mahihirap na kababayan ang kanyang kayamanan, ayon sa mga kritiko.

Kaugnay naman ng pakikipag-party ni P-Noy sa kanyang mga security group, nasabi naman ng kanyang kapatid na naka-schedule na raw ang nabanggit na party, at wala na raw paraan para makansela iyon.

Na inalmahan din ng mga kritiko, na nagsabing bilang pangulo ng bansa, maraming paraan umano si P-Noy para kanselahin ang anumang kasiyahan kung usapin ng mga kababayan ang nakasalalay, tulad ng malawakang trahedyang dulot ng bagyong Sendong sa Mindanao na sinasabing pinakamalaking national disaster sa buong mundo ngayong 2011.

Ipinakikita lang umano ni P-Noy na mas inuuna pa niya ang pansariling kasiyahan, kaysa ang kapakanan ng ‘mga boss’ niya, dagdag pa ng mga tumutuligsa sa pangulo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.