P-NOY, binira sa facebook

GALIT NA MENSAHE ng mga residente sa Hong Kong ang kumakalat ngayon sa opisyal na Facebook page ni Pangulong Benigno Aquino III makalipas ang ilang oras matapos ang madugong hostage drama na ikinamatay ng walong turista mula sa Chinese territory noong Lunes.

Humigit-kumulang sa 663 na komento ang natanggap ni P-Noy sa kanyang wall sa Facebook kahapon, ganap na 6:10 ng gabi, tungkol sa hostage-taking kung saan kritikal ang mga pangyayari.

Umapaw rin ang mga maanghang na komento sa palagiang pagngiti ni Aquino sa ginanap na press conference noong Lunes ng hatinggabi, tatlong oras matapos ang madramang hostage crisis.

Nakasulat ang mga katagang “Shame on you, you were smiling in the press conference, the whole world has witnessed what the police and SWAT did. No more HK people traveling to the Philippines,” ayon post sa isang Chinese national.

Lumabas din ang mga mensaheng paghahalintulad kay P-Noy sa isang aso at protestang nagpapababa sa kanya sa posisyon bilang pangulo, dahil sa palagian niyang pagngiti habang iniinspeksiyon ang bus kung saan naganap ang trahedya.

Agad namang nagpaliwanag at humingi ng dispensa si Aquino hinggil sa mga naglalabasang komento. Ayon sa pangulo, “If I offended certain people, I apologize to them. Obviously, there was no joy in attending to that situation. I have several expressions. I smile when I’m happy. I smile when I’m faced with a very absurd situation where I cannot vent my own emotions.”

Pinoy Parazzi News Service

loading...

9 thoughts on “P-NOY, binira sa facebook

  1. HELLO GUYS
    ETO NA ANG KARMA SA MGA BUMUBUTO KY P-NOY NYO
    ETO NA HISTORY REPEATS ITSELF
    MAS WORSE PA ETO IN THE COMING DAYS
    LUGMOK NA ANG PINAS SA PINAKA LUGMOK
    ETO KARMA ETO
    ASAN NA NGAYON MGA SUPPORTERS NI AQUINO
    ASAN NA KAU
    INSTEAD MAG LOWER ANG MGA PRICES SA COMMODITIES MAS LALO PA PINATAAS
    ANO BA YAN
    KUNG MERON MGA PANGYAYARI GANITO MEDIA AGAD ANG MY KASALANAN
    WLA NA BA KAYO NAISIP
    KAKAHIYA

  2. abakit ganon ang sinibak yung mga mababang pulis bakit hindi si robredo,lim,isko,santiago, versoza, carandang, coloma. tanong lang bakit hindi sila.
    nung kay gloria may kinidnap sa ibang bansa na pinoy binigay agad ang gusto ng hostagetaker, eto wala namang hinihingi na hindi kanya si mendoza bakit hindi naipangako ni noynoy tapos hintay na lang ng 6 months si mendoza retiro na e di sana lahat masaya.
    asan si noy noy noon
    bakit walang bira mula sa abs at inquirer, halatang halata kau pag si gloria kahit hindi niya kasalanan lahat siya ang may sala.
    gising na noynoy baba na bigay mo na yan kay binay. walng ojt sa pwestong presidente totoo na yan buhay ng tao na ang hawak mo.
    un ngang bibitayin na na bigbigyan pa ng pagkakataon yan pa magiting na pulis, andami pa ngang pulis na mas grabe ang kasalanan bakit si mendoza ang nadiin, dahil ung nabangga niya ay may koneksyon sa cityhall.

  3. palibhasa abnoy, my pa speech2 pa na my mananagot… Sino Ang media?nung statement mo puro sisi sa media at pnp ah, ky MAYor LIM wala?sa SARILI MO wala?..Sayang ang boto ko at family ko sayo abnoy ka pala… puro atrasado pala desisyon mo,AMateur moves pati cabinet mo AMAteur din, same birds flock together

    Saka sala sa init sala sa lamig mga pahayag nu. daang matuwid ba?baka daang liko2 kamo…

    Magaling ka lang ata Manira ng kapwa mo, dun ka expert, mga theorya mo ng corupsyon na gawa ng ibang tao, hacienda mo di mo pa malutas

    • Marami sa atin ang kulang sa utak na katulad mo. Gaya nang sinabi mo, 4 months pa lang at maraming namanang sakit nang ulo sa gobyerno nang mga magnanakaw na Arroyo. Laparan mo ang kakitiran nang utak mo. ang mga katulad mo ang nagpapahirap sa ating bansa. Ano ang trabaho mo? Wala siguro kung hindi mangulangot sa sulok at magbunot nang buhok sa kilikili. Magpaka Pilipino ka at maawa ka sa bayan natin kaysa sa mahilig kang manisi.

  4. NASAAN AND NAPAKALAKING PONDO NANG PNP? KULANG SA GAMIT ANG MGA SWAT TEAM NATIN KAYA PUMALPAK SA HOSTAGE CRISIS. WALA NANG NAIWAN SA PONDO NANG UMALIS ANG ADMINISTRASYON ARROYO. KINURAKOT NA NILANG LAHAT. KAWAWA ANG BAGONG ADMINISTRASYON DAHIL WALA NANG NAIWAN PARA MASAIKATUPARAN ANG PANGANGAILANGAN NANG BANSA. KAYONG NANDIYAN PA SA PILIPUNAS, GUMISING KAYO. MASKI WALA NA SI GLORIA MACAPAGAL ARROYO, NAGIWAN PARIN SIYA NANG MALAKING SUGAT SA BANSA. MARAMING TAON PA ANG IPAGTITIIS NANG PILIPINAS SA NAPAKALAKING KAPALPAKAN NA INIWAN NI GLORIA. KAYONG MAHILIG MAG POST DITO, MAY WEBSITE ANG HONGKONG. PUWEDE RIN KAYONG MAGSALITA AT IPAALAM SA KANILA ANG ATING TAOS PUSONG “SORRY” SA NANGYARI SA KANILA AT IPAHIWATIG ANG KAKULANGAN NANG GAMIT DAHIL SA “INUBOS NA NANG ADMINISTRASYON ARROYO” AT GINAGAWA NATIN ANG LAHAT PARA MAGAWAN ITO NANG PARAAN. NANGYAYARI RIN ANG HOSTAGE TAKING SA IBANG BANSA. IPAGDASAL NATIN NA MAKAKALIMOT RIN ANG HONGKONG AT CHINA. ANG MGA TURISTA ANG IKINABUBUHAY NANG IBANG BANSA. HUWAG NATIN PABAYAANG MAWALA ITO.

  5. taaka wag na nyang isali kapatid nya si kris kasi basa ng image ni kris….magmula nong ginawa nya kay james….lahat mga tao na kay james simpatya……kaya pls..lang mr president wag mo munang isali si kris sa ganyan kasi lalong papalpak ka kasi malas……….at buwisit sya eh……

Leave a Reply

Your email address will not be published.