P-Noy, basted?: Liz Uy, mas type si Zanjoe Marudo?!

MAY NASAGAP KAMING chika na confirmed daw na may nagaganap na talagang ligawan sa pagitan nina President Noynoy Aquino o P-Noy at fashion stylist nitong si Liz Uy!

Sa katunayan, botong-boto raw ang mga kapatid ni P-Noy na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Viel Aquino-Dee, at ang kanilang bunso na si Kris Aquino.

Mukhang gustung-gusto raw talaga ni P-Noy ang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Liz, kaya kinikilig daw ang controversial Queen of All Media sa ligawan stage ng dalawa.

But how true na crush daw ni Liz noon pa man ang hunky actor na si Zanjoe Marudo? Matagal na raw magkakilala ang dalawa at hanggang ngayon ay close friends pa rin sila.

Ang sabi diumano noon ng sosyal at magaling na fashion stylist ay kahit hindi raw Inglisero at simple lang si Zanjoe ay keri lang daw nito na maging boyfriend ang aktor, dagdag ng aming reliable source.

So, may maaamoy kaya tayong love triangle kina P-Noy, Liz at Zanjoe?

MATAPOS MAKASAMA NI Claudine Barretto sina Anne Curtis at Richard Gutierrez sa hit movie na In Your Eyes, finally, sa second movie project nito under GMA Films and Viva Films pa rin ay makakasama ulit nito ang kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez! Unang nagkasama ang dating mag-sweethearts after so many years sa huling episode ng weekly series ng mahusay na aktres na Claudine sa GMA-7.

Balita namin mula sa aming kaibigan at anak ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films na si Veronique del Rosario-Corpus, kundi this November, sa December daw ang simula ng shooting ng bagong pelikula ni Claudine with Mark Anthony.

Dagdag na chika pa sa amin ni Veronique, baka makasama ng dalawa ang sexy actress na si Cristine Reyes.

MARAMI TALAGANG CELEB-RITIES natin ang pinipiling pumunta sa hindi mataong mall para mag-shopping at mamasyal, gaya ng Shangri-La Plaza mall sa Mandaluyong City .

Last week lang ay nakita namin ang mga kapatid na babae ni Sen. Bong Revilla na sina Rowena Bautista-Mendiola at Andrea Bautista-Ynares. Kasama nila ang asawa ni Andeng (palayaw ni Andrea) na si Gov. Jun Jun Ynares ng Rizal province at panganay nilang si Cassandra Ynares sa isang restaurant.

Maging si Supreme Court Spokesperson and Court Administrator Justice Midas Marquez ay nakita namin nitong Linggo lang with his family.

Si John Lloyd Cruz din daw ay nakikitang namimili noon kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Liz Uy, sabi ng aming source. Pero kahit mag-isa lang daw ay nakikita pa rin nila paminsan-minsan ang magaling na aktor sa Shang. Minsan nga raw ay may nagpa-picture pa na mayamang mag-ina kay John Lloyd na pinagbigyan naman daw nito. Pero wala raw maririnig ni isang salita sa aktor kundi tango at ngiti lamang.

Ang magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga ay magkasamang nag-malling din daw doon. Bubbly raw talaga ang huli nang pumasok sa isang shop, kaya nagpa-picture pa raw ang mga sales staff, habang naiwan lang daw sa labas ang una na nakatungo at nagte-text. Baka naman si Direk Paul Soriano ang ka-text ni Toni that day.

Si Bea Alonzo naman daw ay tila nagmamadaling maglakad nang mamataan itong mag-isa at naka-shades.

Si Cristine Reyes naman daw ay parang tahimik ang dating.

Nakita rin namin last Sunday ang former actress at Tacloban City Councilor na si Cristina Gonzalez-Romuladez kasama ang dalawa nitong magagandang anak, gayon din ang dating sexy actress na si Diana Zubiri kasama ang kanyang guwapong baby at yaya nito.

BY THE WAY, CONGRATULATIONS kay Vice Ganda at sa Viva Films sa success ng launching movie ng komedyante na Petrang Kabayo! Sa Glorietta 4 cinema ay dalawang sinehan ang inokopa ng pelikula ni Vice two weekends ago. Two Fridays ago ay nanood ang mga kaibigan namin dito. Puno raw ang sinehan. Sobrang haba naman daw ng pila, chika ng ilang staff ng nasabing cinema sa amin.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! over at DWIZ 882 Khz on AM band, Mondays to Fridays, from 11 AM to 12 NN, with Ogie Diaz, Friend Rommel Placente and Ms. F a.k.a. Fernan de Guzman. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

Previous articlePagkatapos kay Heart, Annabelle kay Miriam: “Wag kang suwapang sa pera!”
Next articleUnggoy-ungguyan with Gab Valenciano

No posts to display