P-Noy aminadong nagkaproblema sa intel sa pag-atake ng NPA

AMINADO SI PANGULONG Benigno “Noynoy” Aquino III na nagkaroon ng security at intelligence lapses sa Surigao del Norte kaya nakalusot ang mga rebeldeng lumusob sa tatlong minahan.

Sinabi ni P-Noy na ipinarating na niya sa security forces ang kanyang pagkadismaya sa kanilang performance.

Ipinag-utos na niya ang walang humpay na operasyon laban sa mga responsableng miyembro ng NPA para panagutin sa batas, ayon sa Pangulo.

“But at the same time, I have instructed all of our security forces that I was not happy with their performance in this particular incident. The potential for risk, for disaster, was really very evident,” ani pa ni Pangulong Aquino.

Samantala, ipinauubaya na umano ng Pangulo sa negotiating panel kung irerekomenda nila ang pagkakaroon ng long term ceasefire bago ituloy ang peace talks sa mga rebelde.

“I’ll leave it up to the peace panel who are actively engaging the Communist Party of the Philippines-National Democratic Front in a continuing dialogue,” dagdag ni P-Noy. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.