P-Noy, 7 beses nirebisa ang laman ng SONA

HANDA NA at nakatakda nang harapin ni Pangulong Noynoy Aquino ang sambayanang Pilipino ngayong araw, Lunes, Hulyo 23, 2012, para sa kanyang ikatlong ulat sa bayan o State of the Nation Adress (SONA) sa Batasan Complex.

Naging mabusisi sa

paghahanda ng SONA speech ng pangulo, kung saan sinabi ni Presidential Spokesman sa radyo ng gobyerno na dzRB na dumaan ito sa higit pitong draft o rebisyon. Isinulat din umano ang speech na ‘truthful’ at ‘inspiring’ sa sambayang Pilipino.

Ayon pa kay Lacierda, ilalatag ni P-Noy sa ka-nyang speech ang kanyang mga nagawa sa loob ng nagdaang taon, at kung ano pang programa at proyekto ang aasahan sa gobyerno sa mga susunod na taon.

Gayunman, hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Lacierda sa SONA, bagama’t sinabi nitong maglalaman ito ng ‘truthful facts and figures’.

“It’s a speech where what he says is what he does,” sabi ni Lacierda patungkol sa Punong Ehekutibo.

Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos ng mga kritiko ng pangulo na naubos ang nagdaang taon ng gobyerno sa pagsasampa ng kaso laban sa mga kalaban sa pulitika ng pangulo, partikular na kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mga kaalyado nito, at sa pagpapatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Hindi umano natutukan ng gob-yerno ang pagpapabuti ng ekonomiya at pag-aangat ng kabuhayan ng milyon-milyong mahihirap na pa-milyang Pilipino.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.