P-Noy, 40 Oras ipinagdasal

Pinangunahan ng EDSA Shrine communities ang 40 oras na prayer-vigils para kay Pangulong Benigno Aquino III para sa maayos na pagpapatakbo nito ng bansa sa gitna ng dagat ng kaguluhan sa loob ng 100 na araw ng kanyang panunungkulan. Isa na rito ang hostage crisis noong Agosto 23.

Ang unang serye ng Quarant ‘Ore (40-hour devotion) kung saan sinabing gagabayan ng Kalangitan ang Pangulo ay ginanap noong Setyembre 8 ng ilang communities: Wellspring of Life, Sacred Land of Asia, at Servants of the Luminous Cross of Grace.

Ang 40-oras na prayer exercise na natapos noong Biyernes ay para sa ika-100 araw ni P-Noy sa kanyang opisina bilang Pangulo ng bansa ayon kay Cynthia Lazo, miyembro ng EDSA Shrine communities.

Inaasahan na magpapatuloy ang vigil para sa ika-100 na araw ni Aquino bilang president sa pangunguna ng ilang faith communities na hikayatin ang ibang miyembro na sumali sa prayer movement, ayon pa kay Lazo.

“That’s the best support we can give President Noynoy and his administration—to allow inner change in ourselves, which begins with prayer,” pahayag ni Lazo sa isang phone interview noong Biyernes.

Nagsagawa rin ng Quarant ‘Ore ang EDSA Shrine communities noong nakaraang taon para sa isang “miracle healing” at pagkatapos ay “happy death” para sa yumaong President Corazon Aquino na pinangunahan ang bansa laban sa diktadurya 20 taon na ang nakakaraan.

Sa kasalukuyan, inihahandog naman ang naturang prayer exercise sa kanyang anak na naluklok sa puwesto dahil na rin sa kanyang pagpanaw at inaasahang mag-aahon sa bansa sa pagkakalugmok nito.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.