P-Noy, ‘Di Prayoridad ang Jueteng: GRUPO NI ATONG ANG, MALAYANG MAG-O-OPERATE

MALAYA UMANONG MAKAPAG-O-OPERATE ang planong iligal na sugal ng nagpakilalang grupo ni Charlie “Atong” Ang, dahil na rin sa hindi pagbibigay ng prayoridad ng administarsyong Aquino sa pagsugpo ng talamak na jueteng sa bansa. Ito ang napag-alaman ng Pinoy Parazzi sa isang opisyal ng pulisya na tumangging magpakilala.

Ayon pa sa opisyal, malakas ang loob umano ng grupong ito ni Ang na gamitin ang pangalan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pakikipag-usap nito sa mga gobernador at mayor, maging sa mga board member at konsehal ng mga bayan at lungsod para makapagtayo ng isang iligal na sugal.

Ang sinasabing iligal na sugal ay mas malala pa umano sa jueteng dahil pinaghalo itong jueteng, lotto at jai-alai na gagamitin ang resulta ng jai-alai na binabalak itayo sa Sta. Ana, Cagayan, at sa halip na dalawang numero, pata na numero ang kailangang tayaan para tumama, pagpapaliwanag pa ng source.

Inihayag pa ng sorce na sasamantalahin ng nasabing grupo ang mismong pag-amin ni Department of Interior and Local Government secretary Jesse Robredo, na hindi mdaling sugpuin ang jueteng sa bansa na naging masyado na ring kumplikado.

Hindi nga nagbigay ng deadline si Robredo sa Philippine National Police upang wakasan ang nasabing iliugal na sugal, dahil siya mismo, sinubukan na niya nang maraming beses noong mayor pa ito ng Naga City na sugpuin ang jueteng, pero nagpabalik-balik lang ito at nagmistulang lulubog-lilitaw, dagdag pa ng opisyal ng pulisya.

Isa sa pinakamalalang pinagmumulan ng korapsiyon sa buong bansa ang iligal na sugal tulad ng jueteng na pinakikinabangan ng mga kapulisan at mga opisyal ng gobyerno, at ang mga mahihirap na Pilipino ang laging nagiging gatasan at biktima, pagdidiin pa ng opisyal na pulisya. Idinagdag pa nito na hindi magagawa ni P-Noy mawakasana ng korapsyon ‘pag hindi nito nagawang wakasan ang jueteng at iba pang iligal na sugal sa bansa.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.