P.8-M NA CASH GIFT NI WILLIE KAY JOHN, KUMPIRMADO

KINUMPIRMA SA AMIN ni John Estrada matapos ang presscon pro-per ng bagong noontime show ng ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey! last Monday na niregaluhan nga siya ng kanyang kaibigang si Willie Revillame para sa kanilang kasal ng kanyang girlfriend na si Priscilla Meirelles.

Pero hindi basta regalo. Cash gift ‘yon na nagkakahalaga ng P800 thousand lang naman! Nakakalokang wedding gift, ‘di ba?

Nasa mga kamay pa rin naman daw ng TV host-actor ang datung, kahit na wala pa ring kasiguraduhan kung darating pa rin si Willie kahit guest na lang at hindi na Best Man sa kanyang kasal na sa February 26 sa Thunderbird Resorts, Poro Point sa La Union. ABS-CBN na ang may exclusive coverage. Ang isa pang Best Man naman na kumpirmado na ay si Richard Gomez.

Speaking of Willie, how true na sa dami ng gustong makanood at makasali sa mga contest ng Willing Willie sa TV5, mayroon na umanong isang tao ang matinding nasaktan sa labas ng gate ng Kapatid network?

Kaya para siguro lalong makaiwas disgrasya, hindi na ginagamit ng TV5 ang malaking monitor sa harap ng kanilang compound kunsaan pumipila ang napa-karami nating mga kababayan.

LAST SUNDAY ay nakasalubong namin sa Greenbelt 3 sa Makati City ang singer na si Guji Lorenzana. Ngumiti at naki-pagkamay sa amin si Guji. Ang kinagulat lang naming, hindi si Kaye Abad ang kasama niya kungdi isang magandang non-showbiz girl.

Nag-give up na kaya ang singer sa matagal nang panliligaw sa aktres, o naging magdyowa kaya talaga ang dalawa at nagkahiwalay na?

TULUYAN na ngang bumalik ang magandang pangangatawan ni Aga Muhlach kahit na nagbakasyon silang mag-anak sa Amerika nu’ng nagdaang Pasko. Dahil dito, balik shooting ang mahusay na aktor para sa pelikula nila ni Angel Locsin na Embrace Me under Star Cinema.

Bukod sa movie ni Aga with Angel, tatapusin rin ng una ang pagbabalik-tambalan nila ni Regine Velasquez na medyo matagal na ring nabinbin.

UGALIIN n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, at francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “P.8-M NA CASH GIFT NI WILLIE KAY JOHN, KUMPIRMADO

  1. dyusko,,papayat din naman dapat si AGA,,diba,,ganda na ng body nya s amovie nila ni ANGELICA PANGANIBAN noon na A LOVESTORY,,sana ibalik nya yun,,hunk body,,hindi chunk taba body,,waaahhaah,,mas xciting ang movie nila ni ANGEL LOCSIN,,kesa dun kay regine na kakasawa na sila,,wala lang,,,how true tv 5 na si aga at balik dos si GOMA??

    hindi yata sinagot ni KAYE ABAD si GUJI,,o work lang talaga,,bagay pa naman sila,,,diba,,,mukhang di pa ready si kaye sa isang relasyon after nung kay chito,,,we love jaye at she deserved a decent man in gods tym,,

    sana more tv series at movies for kaye,,ang galing nyang umarte ,,galing nya sa ALYNA,,sila ni EDWARD MENDEZ,,galing!

  2. if i were john, i would return the money willie had given him as a wedding gift para walang maisumbat sa akin pagdating ng araw. knowing willie, he's the most arrogant and self-centered person i've ever known.

Leave a Reply

Your email address will not be published.