P-8-M ang Utang: MPD, Pinutulan ng Tubig

TULUYAN NANG pinutulan ng supply ng tubig ang Manila Police District (MPD) Headquarters matapos mu-ling mabigo ang pamunuan nito na bayaran ang pagkakautang sa Maynilad.

Base sa rekord ng Maynilad, aabot sa kabuuang P8-M ang utang ng MPD sa apat na account nito simula pa noong 2005 hanggang sa nakalipas na buwan.

Mayroong apat na linya ng tubig ang MPD kung saan unang tinanggal ang isang linya nito at isinunod ang dalawa pa.

Nangako ang kanilang pamunuan na babayaran kahit ang natitirang linya ng tubig bago matapos ang 2012.

Nakapag-retiro na si Police Chief Supt. Alex Gutierrez bilang District Director nito ngunit bigo pa rin ang MPD na mabayaran ang nasabing utang.

Sa ngayon, apektado na ang sanitasyon ng MPD headquarters at maging ang MPD Integrated Jail.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.