P.2-M na Shabu, Kumpiskado sa 3 Tulak

ARESTADO NG mga awtoridad ang tatlong kalalakihan, kabilang ang isang body builder, na pawang mga tulak ng ipinagbabawal na droga  sa isinagawang buy-bust operation sa Meycauayan City matapos

marekober sa mga ito ang droga na nagkakahalaga ng mahigit sa P.2 milyong piso.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Albert Nicolas, 25, body builder, residente ng Brgy. Caingin, Bocaue; Edris Guinal, 33; at Ruben Royales, 45, kapwa residente ng Doña Josefina Village, Brgy. Malhacan, Meycauayan.

Sa imbestigasyon ni Supt. Rafmil Corpuz, hepe ng Meycauayan Police, dakong alas-8:05 ng gabi, isang impormante ang nag-ulat tungkol sa nakatakdang pagdeliber ng Shabu ni Nicolas sa bahagi ng Brgy. Calvario, sa nabangit na lungsod.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.