Oyo Sotto at Kristine Hermosa, teamwork sa pag-aalaga sa mga anak

LARAWAN NG isang masayang pamilya sina Kristine Hermosa, Oyo Sotto at ang kanilang mga anak na sina Kiel at Ondrea Bliss nang magkaroon sila kamakailan ng pictorial para sa June issue ng Working Mom Magazine ng ABS-CBN Publishing.

The Buzz was given the chance to interview Tintin and Oyo after the pictorial. Inamin ng dalawa na nahirapan sila noong una na mag-adjust nang ipanganak si Ondrea Bliss who is now four months old. “Iyong first few months ko, iyon ang adjustments. Tapos puyat. Believe it or not, I don’t get anymore eight hours of sleep,” sabi ni Tintin.

Maganda ang teamwork nina Tintin at Oyo pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga anak kaya maayos nilang nagagampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang mga magulang.

Oyo praises his wife for being a hands-on mom. “I give all the credit to Tin pagda-ting sa motherhood. For some reason, hindi talaga ako nagigising sa iyak ni Ondrea kapag umiiyak siya kaya minsan nagugulat na lang ako ‘pag gising ko sa umaga, fresh na fresh ako [tapos] pagkita ko kay Tin, laki na ng eye bags. Noong nabuntis siya, talagang ayaw niyang magpaalaga sa akin.”

Kuwento naman ni Tintin, “Kapag nakikita niya akong hindi pa ako kumakain kasi ako iyong na kay Ondrea [sasabihin niya], ‘Sige, hon, patapos na ako. Tapos ikaw naman.’ Magpapalitan kami. Talagang teamwork. Tapos tina-try naman niya iyong best niya. [Tatanungin niya ako], ‘How can I help you para makatulog ka?’”

Although they are busy taking care of their kids, Tintin and Oyo still find time for each other. Kapag may pagkakataon daw na maiiwanan nila ang mga bata sa bahay ay talagang sinusulit nila ang kanilang araw para makapag-bonding sila nang husto.

Pero sa kabila ng puyat ay ibang klaseng saya ang hatid sa kanilang pamilya ni Ondrea. “Kapag pinapaliguan ko siya, binibihisan ko, ang sarap niyang bihisan, even si Kiel. Kapag nagpi-feed ako. I love the feeling na kunwari iiyak siya, tapos ayaw. Ang sama ko eh, gusto ko iyong feeling na hindi siya napapatahan ng iba kasi ‘di ba, ang sarap ng feeling kapag needed ka? Ikaw iyong gusto tapos biglang tatawa siya. Mag-smile siya kapag nasa iyo na siya,” kuwento ni Tintin.

Pero nang tanungin ang mag-asawa kung payag ba silang pumasok din sa showbiz ang kanilang mga anak ay sinabi ni Tintin na puwede siguro kung mga endorsements pero huwag muna ang pag-aartista. Gusto nilang mag-aral muna ang mga bata.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

6 thoughts on “Oyo Sotto at Kristine Hermosa, teamwork sa pag-aalaga sa mga anak

  1. Kadiri itong couple na to!!!!!!!!! Yuck!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    Etong si Oyo nagsawa lang kay Anghit Poksin pumatol na sa matanda yuck talaga!

  2. eh ano pa ba maasahan nyo kay Claudine eh adik nga ang lola mo diba? luto n utak nun kaya ganun…

  3. DAPAT SILA ANG GAYAHIN NG MAG-ASAWANG CLAUDINE AT RAYMART, MATINONG COUPLE DI TULAD NILA WALANG GINAWA KUNDI MAKIPAG-AMOK HAHA!

  4. Mabuti pang couple na ito.Matitinong mga tao.Alam nila kung ano ang pinasok nilang responsibilidad bilang mga magulang.Ang iba inuuna ang kalibugan kaya nabuntis nang wala sa panahon tuloy ang mga anak hindi napalaki nang wasto at maayos.Natututo nang masamang asal mula mismo sa kanilang mga magulang o sa ibang mga tao kaya lumaking kulang sa self-esteem ang mga bata at  kung anu ano na lang ang gawin para magkapera.Dapat tinuturo sa paaralan kung paano pumili ng tamang mapapangasawa at hindi basta dinadaan sa pagwapuhan o pagandahan o sa lakas ng sex appeal,kung paano palakihin nang wasto ang mga anak at kung paano mapatibay ang pagsasama ng mag-asawa para hindi na kailangang isabatas ang diborsyo sa Pilipinas. Siguro kung bawat isa ay nagabayan nang mabuti,maibabalik ang kadakilaan ng mga Pilipino at ang ningning ng Pilipinas.