Oyo Boy Sotto, walang galit kay Pauleen Luna

NA-INTERVIEW NG Startalk si Oyo Boy Sotto nu’ng nakaraang linggo, at sinabi nga niyang hindi naman daw siya galit kay Pauleen Luna.

Ibig niyang sabihin, na hindi naman daw siya kontra sa relasyon nila ng Daddy niyang si Vic Sotto.

Kung sino raw ang iibigin ng Daddy nila, rerespetuhin naman daw nila ito. Ang gusto nga raw nila, merong makakasama ang Daddy nila na pang habang-buhay na, dahil mag-isa na lang ito.

May kanya-kanya na silang buhay, kaya gusto naman nilang may makasama ito.

Kaya kung sino raw ang sasamahan ng Daddy nila, okay lang daw sa kanila.

Pero hindi pa raw sila nagkikita ni Pauleen. Kung magkita man daw sila, babatiin naman daw niya ito, dahil wala naman daw ginagawang masama sa kanya si Pauleen.

Kaya lang, naalala ko pa nu’n, nu’ng pumutok ang isyu nina Vic at Pauleen, nagtu-tweet ito na obvious na si Pauleen ang tinutukoy niya. In fairness naman sa alaga ko, hindi na lang niya pinatulan. Kaya nga tinanggal na lang niya ang Twitter account niya para hindi na lang siya maapektuhan.

Pero matagal na ‘yun, okay naman na ang lahat, pero hindi pa raw nagkaroon ng chance talaga na magkita sila.

Ang nakakasama lang yata ni Pauleen, ang mga kapatid ni Bossing Vic na okay naman sa kanya.

Narinig ko noon na nagkita na raw sina Danica Sotto-Pingris at Pauleen at mabait naman daw ito sa alaga ko.

Tinanong noon ng Startalk si Danica, itinanggi niya ito. Tingin ko riyan, ayaw na lang nilang pag-usapan pa. Ayaw na lang daw kasi ni Bossing Vic na gawin pa itong malaking isyu. Kaya naman tahimik din si Pauleen at tumatanggi na talaga itong magpa-interview.

Kasali ang alaga ko sa bagong afternoon drama series na Unforgettable kaya tiyak na mai-interview rin ‘yan at mahihingan ng sagot sa mga sinabi ni Oyo Boy.

Parang si Zsa Zsa Padilla lang itong si Pauleen, ha?!

Abangan n’yo na lang sa Startalk ‘yan!

SA BIYERNES na matatapos ang Sana Ay Ikaw Na Nga sa GMA 7, at ang ipapalit diyan ay ang Bukod Kang Pinagpala nina Jackie Rice, Mark Anthony Fernandez, Camille Prats at ang batang si Mona Louise Rey.

Ang alam ko, kasama rin dito si Phillip Salvador.

Pero balik muna tayo sa Sana Ay Ikaw Na Nga, na-extend na ito ng ilan pang linggo kaya masayang-masaya ang mga bidang sina Mikael Daez at Andrea Torres.

Malungkot daw silang lahat sa last taping day nila dahil nagkaroon na talaga sila ng bonding.

Sabi ni Andrea, malaking bagay ang naitulong sa kanya ng Sana Ay Ikaw Na Nga, kaya nga pagkatapos nito ay mag-iingat na raw siya sa pagtanggap ng mga project.

Okay lang naman daw siya sa supporting roles, pero depende raw sa project kung talagang maganda.

Bongga! Choosy na?

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Oyo Boy Sotto, walang galit kay Pauleen Luna

  1. kahit naman high rating ang sana ikaw na nga na yan hindi pa rin magiging sikat si andrea torres at mikael daez hehe! asa pa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.